Thursday, May 18, 2006

Insecurities Can Kill You

ayoko na!

i went out with my classmates this evening. Aalis na kasi ung isa naming classmate papuntang Manila kaya naman nagkita-kita kami. Maglalakad lang sana kami kaso dumaan yung van ng classmate namin kaya naman nakisakay kami papuntang seawall.

Nung dumating kami doon,naghanap kami ng pwestong pwedeng upuan. Doon kami tumambay sa tabi ng mga tables. Ang dami kasi ng tao kaya ala mahanap na matino. Yung may-ari pala nung pwestong yun ay mga estudyante sa st.mary's noon. Sabi yun ni cha coz ung ex niya nandun.

I saw Aien na dumating. She saw me din kahit madilim kaya tinawag niya ko. First time yun na nagkausap kami ng harapan since i was grade 6 (except nung ininvite niya ako nung debut niya). Syempre, the usual kumustahan lang. aLa naman kaming mapapag-usapan kasi di naman kami gaanong close. Sometimes napapaisip nga tuloy ako kung sana nagpatuloy nalang friendship namin tulad nung elementary pa ako, yung di pa ako nag-aalangan sa kanya, hindi na sana ako naiilang sa kanya ngayon. weird...bakit ba ako maiilang?ewan. [edit]siguro kasi ibang-iba ung world na ginagalawan niya sa ginagalawan ko. mine is just simple while ung kanya, hmm, idunno pero iba sakin. [/edit]

[edit]Maybe this is just bcoz of my insecurities. Im always afraid na hindi ako tatanggapin ng taong yun. Worried that that person would not like me for who i am o di kaya dahil sa ang pangit ko or ang taba ko. Kahit pa man nung bata pa ko, nanjan na yung takot na yan. Kaya naman siguro, hindi ako natutong magtiwala sa iba. Sa bagay, how can i trust them na kahit nga sarili ko di ko pinagkakatiwalaan. There's always doubt in me. Sa tuwing may gagawin ako, there's always that question na "what if?". di yun nawawala. never in my life na nagtiwala ako sa iba. kahit nga family ko, i still doubt their love for me. ewan! i know na mali pero di ko maiwasan. sinubukan ko na minsang magtiwala pero hindi ko pa rin nagawa. bahala na.[/edit]

bout Aien pla, i want her to be my friend, yung hindi ako maiilang, coz i know na mabait siyang tao. [edit]pero un nga, takot ako. takot akong mapagtawanan at maisulto. sawa na ako sa ganon. i hate the feeling of being rejected. ayoko na. my life has been like this since nagkaisip ako.[/edit] ayoko na, ayoko na!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...