Wednesday, December 13, 2006

News

NEWS

Headline:
BAGYO (Signal No.3)
Dinaanan po kami ng isang malakas na bagyo. Magkahalong malakas na ulan at hangin ang humagupit sa probinsya ng samar at leyte. Halos umabot ng 50 na poste ng kuryente ang natumba sa Borongan, capital ng eastern samar, pati na dito sa Tacloban. Ito ay nagbunga ng malawakang brownout sa lungsod at sinasabing magtatagal ng isang buwan. (Isn't it unfair??) Napakaraming mamamayan ang nagrereklamo sa pangyayaring ito. Sana naman ay mapadali ang pag-aayos ng mga sirang poste upang maibalik na ang kuryente. Napakalungkot naman ng pasko kung walang krismas tri na may krismas lights. Diba? Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon lang ulit ako nakapagupdate ng blog ko. Pasensya na.

d'HAIR
Napakarami po ng nagbago sa loob ng isang buwan. Isa na po rito ay ang aking buhok. Ewan ko po kung anong pumasok sa ulo ko at nagpagupit po ako. Hindi lang po iyon. Ako po ngayon ay me bangs na. Hindi pa po ako nagkaroon ng bangs simula nung grade 2 ako kaya naman nakakailang. Sana naman po ay magustuhan ninyo ang pagbabago. Ipopost ko po ang picture ko dito. Bahala na po kayong magbigay ng kumento sa kung ano ang inyong saloobin sa pagbabagong ito.

Sana po ay di ninyo makalimutang magbigay ng kumento.
Maraming Salamat! Iyon lang po sa ngayon. =)

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...